“Mûdû mûdâ li-kal-lim/ la mûdû ul immar
(Hayaang ang nakakaalam ay ipaalam ang kaalaman, at siya namang hindi
nakakaintindi ay hindi makakaalam).” ~ Kawikaan sa Mesopotamia (5,500 hanggang
1,750 BC)
Nakakainggit naman si Ginoong Noynoy Aquino, makaka-meeting
niya ang mga executive ng Walt Disney International, at inaasahang pati na din
sila Donald Duck na napapabalitang magbibigay ng matalinong advice sa pangulo
ukol sa krisis sa South China Sea, maaaring sumama din sa discussion si Little
Mermaid upang bigyan ng update ang pangulo ukol sa mga aktibidades sa ilalim ng
karagatan ng Tsina. Hinihinala kasing lalo pang pinalakas ng dambuhalang bansa
ang fleet ng mga submarino nito na handang makipagdigma sa isang kumpas ng mga
Tsinong heneral.
Inaasahan namang makukumbinsi ng pangulo ang mga executive
ng Walt Disney na padaungin sa mga airport ang 101 Dalmatian upang makatulong
sa joint-monitoring ng mga balikbayan box na binubuksan at ninanakawan ng ilang
airport personnel, magkatulungan din sa pagbabantay sa “bura sa passport” modus
at matimbog ang mga nasa likod ng “tanim-bala” scam. Si Pluto ang magiging lead
supervisor ng mga banyagang aso sa RP-Walt Disney joint operation na ito, si
Goofy ang magiging dog-in-charge sa logistics, si Dumbo at Winnie-the-Pooh ay mga
nag-boluntaryo upang magsilbing decoy, si Bambi naman ang magsisilbing PR muse
at mascot ng proyekto at si Pocahontas ang aawit ng theme song upang mapaganda
ang imahe ng Naia.
Magkakaroon din, ayon sa isang source na kasama sa entourage
ng pangulo, ng isang close-door meeting sa pagitan ni Ginoong Noynoy at Aladdin,
ukol ito sa poverty problem ng bansa. Malamang na mabigyan umano ang pangulo ng
tatlong wish upang mawakasan na ang kahirapan sa Pilipinas.
Si Simba naman, na sa kasalukuyan ay nagbabakasyon sa
Carribean ay hindi makahaharap sa pangulo, ngunit nakapaghanda umano ng isang
taped recording na ipapanood kay Ginoong Noynoy sa pagbisita nito sa Disney,
ito naman ay isang confidential advice upang malutas ang tatlong dekadang misteryo
sa likod ng pagpatay sa bayaning ama na si Ninoy Aquino. Si Pinnochio naman ay
makakapulong din ni Ginoong Noynoy upang bigyan ng ilang tip ang pangulo kung
paanong mahuhuli ang mga korap sa kanyang gabinete, samantalang si Cinderella
naman ay nakatakdang payuhan si Ginoong Noynoy ukol sa love life.
Sina Sheriff Woody at Buzzlightyear ay parehong nakaumang na
kumbinsihin ang pangulo na maging consultant para sa ikareresolba ng mabigat na
trapiko sa Metro-Manila. Ayon sa ating insider source, maaaring ikonsidera ito
ng pangulo. Si Captain Hook naman, dahil na din sa lumalalang sitwasyon sa
pagitan nila ni Peter Pan, ay handang mag-file ng indefinite leave sa Disney matapos
magpahayag na handa syang magsilbing adviser ng pangulo sa gitna ng
usap-usapang maraming kaso ang kakaharapin nito pagbaba sa Malakanyang.
Hindi naman umano nagustuhan ng pangulo ang patutsada ni
Mickey Mouse na dodoblehin nito ang kanyang talent fee para lamang iendorso ang
manok ni Ginoong Noynoy sa pagka-pangulo sa Mayo.
Kabaliktaran naman dito ay ikinatuwa naman umano ni Ginoong
Noynoy ang mensahe ni Minnie Mouse na libre nyang ieendorso ang manok ng
pangulo sa kondisyong isang babae ang mamanukin nito pagka-presidente.
Photo credit: Google
Photo credit: Google
No comments:
Post a Comment