Thursday, February 18, 2016

DAYAAN SA HALALAN NAMUMURO


“Ur-ge-im-ma-gid-gid-da ge-im-ma-lal-la (Winasak ang mga pundasyon at pinapapighati ng katahimikan).” – Kawikaan sa Mesopotamia (5,500 hanggang 1,750 BC
Makailang beses nang ipinagpaliban ang pag-imprenta ng mga balota ng Comelec kahit alam nitong gahol na sa panahon. Nakapagtataka ito at may mga usap-usapan pang maaaring desisyunang ipagpaliban din ang eleksyon ng ilang linggo. Kung legal ba ito ay inaasahang pagtatalunang matindi. Ngunit lumulutang na ang proposal na ‘yan.
May problema sa “source code,” kaya hindi pa ito maipagkatiwala ng Comelec sa BSP gayong malapit na ang halalan, ilang linggo na lang mga kamasa. May malaking problema sa mga “vote counting machines” na pa-pamali-mali ang ini-rerehistrong bilang.
Milyon-milyong mga Pilipino na ang na-disenfranchise sa “no bio, no boto” policy ng Comelec. Karamihan diyan ay mga kamasa natin, na nasa C-D-E social class. Napakahaba ng pila para makarehistro lamang, hindi kaya ng ordinaryong tao na mawala kahit ang isang araw para sa paghahanap-buhay dahil nakasalalay doon ang kakainin sa isang maghapon.
Tandaan din na karamihan ay sa mall isinagawa ang mga pag-rehistro, kaya ang mga nakayapak, marurumi at mga payak na mamamayan ay nag-alangang makipila at makasama sa mga mababango at mga magaganda ang bihis na mga kababayan.
Milyon-milyon din ang na-disenfranchise na mga senior citizen dahil hindi nila kayang pumila ng maghapon upang makapagpa-rehistro sa Comelec para sa “no bio, no boto” policy nito.
Kapag tinuos natin mga kamasa ang mga impormasyong ito, maliwanag na pumapabor ito sa mga inaasahang matataas ang makukuhang boto sa halalan. Mga nasa limang milyong Pilipino pa ang inaasahang ma-di-disenranchise dahil sa kapalpakan ng mga makinang gagamitin ng Comelec. Nariyan na at inaamin naman ng pamunuan ng nasabing ahensiya. Nangyayari na, ngayon pa lang. Kinokondisyon na ang mamamayan. Tumutumbok sa dayaan ‘yan mga kamasa. Kung maalala ninyo ang binanggit ko na din sa ating munting pitak na ito ang hi-tech gadget na kung tawagin ay Viper. Malaki ang magiging papel niyan mga kamasa sa isang senaryo na magkakadayaan. Tandaan na ang mga boto ay ita-transmit sa pamamagitan ng text message at may SIM card ang mga makina ng Comelec na ‘yan.
Hindi na po ninyo kinakailangang laliman ang pag-iisip kung kanino sa mga kandidatong pagka-pangulo pumapabor ang senaryong ito.

Photo credit: Google

No comments:

Post a Comment