Nagsalita na ang
Riyadh na hinihintay na lamang nito ang hudyat ng Estados Unidos at susugurin
na nito ang Syria. Nagsalita naman ang Russia na sa oras na sumugod ito sa
Syria ay buburahin ni Vladimir Putin ang Saudi Arabia sa mapa.
Inaasahang kapag
nangyari ito ay sasali na din ang Tsina sa digmaan sa panig ng Russia at hindi
malayong sumugod na din sa mga bansang kaalyado ng Estados Unidos sa Asya, malamang
una na sa Pilipinas na pinakamahinang bansa sa rehiyon. Gagalaw na din ang mga
warhead at mga pulu-pulutong na tropa ng North Korea na kakampi ng Tsina.
Magiging obsolete na ang usapin sa South China Sea kapag sa
oras na masakop na tayo ng Tsina. Hindi
kakayanin ng Estados Unidos na i-rescue tayo sa mga panahong iyon dahil inaasahang
malupit ang magiging pakikibakbakan nito sa bansang Russia at mga kaalyadong
bansa nito kung saan kakailanganin nito ang kanyang buong pwersa.
Hindi nga lamang sigurado kung may mundo pa tayong
madadatnan matapos ang isang digmaang nuclear.
Nasa 350,000 ang nakaumang na ipapadala ng Saudi Arabia
katulong ang 25 bansang pawang mga kaalyado nito upang sugurin ang Syria at
patalsikin ang pangulo nitong si Basher Hafez al-Assad. Si Assad naman ay
maigting na tinutulungan ng Russia laban sa rebeldeng grupong Isis.
Malinaw ang pahayag ng Russian Duma na kapag may nagtangkang
sumugod sa Syria nang walang paalam sa pamahalaan nito ay nangangahulugan ng
isang digmaan. Ipagdasal ninyo mga kamasa na kasihan ng matinong pag-iisip ang
mga lider ng mga bansang ito, kundi ay nanganganib na magising tayo na puro
kaluluwa na lamang.
Photo credit: Google
No comments:
Post a Comment