Sa gitna ng desisyon ng Korte Suprema sa pagbaliktad nito sa
naunang pag-apirma ng Court of Appeals na nagbabawal sa field testing ng Bt
Talong o isang produkto na genetically modified organism (GMO), mariing sinabi
ng korte na ni-reverse lamang nito ang ruling dahil moot and academic na ngayon
sa panahong natapos na ang field testing ng Bt Talong sa Pilipinas kaya wala na
itong pagbabawalan pa, dahil tapos na nga.
Maliwanag, ni-reverse ng Korte Suprema ang desisyon nito
dahil sa teknikalidad at hindi nito sinasabi na safe nga ito para sa mga
magsasaka, mga mamimili at sa lupang pagtatamnan.
Ayon sa grupong Greenpeace naka-ban ang Bt Talong sa
maraming bansa dahil sa hinihinalang lason na dulot nito sa mga sakahan,
magsasaka at sa mga makakakain nito.
Sa pag-aaral ng mga syentipiko ng Greenpeace, nakalilikha
ang Bt Talong ng mga damong hindi napupuksa na makasisira ng permanente sa mga
sakahan sa buong bansa. Maaari rin itong makamatay ng mga tao. Ayon sa kanilang
mga eksperto, tinitira ng Bt Talong ang liver at kidney ng kakain nito.
Ang United States Food and Drugs Administration mismo ay
nagsimula nang isama sa watchlist ang mga gulay na nagamitan ng teknolohiya ng
parehong kumpanya na lumikha sa Bt Talong. Nadiskubre ng FDA na napakataas ng
toxicity ng mga gulay na apektado ng teknolohiya ng kumpanya na ang inaalam na
lamang ng FDA ay kung ano persentahe ang hindi kaagad makamamatay ng tao.
Ang Bt Talong ay hindi nilalapitan ng mga insektong
karaniwang kumakain at sumisira sa mga pananim na talong. Ayon sa isang
eksperto na nakapanayam ng inyong lingkod, ang dahilan nito ay sa pamamagitan
ng GMO technology na ginamit sa pag-produce ng produktong ito, pinapaniwala ng
Bt Talong ang mga insekto na hindi ito isang gulay, na isang itong karne kaya
nilalayuan ito ng mga insekto na ang hanap nga ay gulay na talong.
Ang tanong ng ekspertong aking nakapanayam, kung ang tingin
ng mga insekto sa Bt Talong ay hindi isang gulay, ano naman kaya ang tingin ng
mga cells sa katawan ng tao na nakakain ng Bt Talong?
Hinihinalang bukod sa liver at kidney na tatamaan ng Bt
Talong, maaari ding ito ay makalikha ng epidemya ng cancer sa bansa.
Sana ay tingnan itong maigi ni Department of Agriculture
Sec. Manny Pinol dahil sa oras na maging full-blast ang pagbaha ng Bt Talong sa
merkado ay maaaring maging irreversible ang epekto nito sa ating mga kababayan
lalong-lalo na sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino.
Kung ano man ang nasa Bt Talong at epekto nito sa katawan ng
tao, magiging parte na ito ng sistema ng katawan ng mga Pilipino, at ito ang
lubhang nakapangangamba.
Masarap naman at mura ang talong na mga pananim ng ating mga
magsasaka ngayon, huwag naman sana nating pag-eksperimentuhan at isugal ang
kalusugan at kinabukasan ng ating bansa kapalit lamang ang pagyaman ng mga nasa
likod nito.
- 30 -