Napapabalitang tuloy-tuloy pa din ang nakagawian at
nakasanayan nang gawain ng ilang mga kawani at opisyal sa Department of
Education.
Ang tinutukoy po natin ay ang karaniwan nang korapsyon sa
Dep-Ed na umaabot ng bilyon-bilyong piso.
Nasa higit P16 bilyon ang inaasahang makukulimbat ng mga
umano’y sindikato sa Dep-Ed. Ito ay 20% ng budget para sa mga naka-programang
mga proyekto at supplies ng departamento para sa taong ito. Taon-taon ay
napapabalitang isa ang Dep-Ed sa pinaka-korap na ahensiya sa buong burukrasya
ng pamahalaan.
Higit sa P86 bilyon ang mapaglalaruan ng sindikato sa Dep-ED
na maaaring lutuin at mapapunta sa mga pinapaboran nitong supplier o
kontratista kapalit ang 20% na SOP.
P435.9 bilyon ang budget ng Dep-ED ngayong kasalukuyang taon
at sa kabuuang pondong iyan, nanganganib ang 20% ng P82.3 bilyon na nakalaan
para sa konstruksyon ng may 47,553 na mga classroom at technical-vocational
laboratories. Nanganganib din ang 20% ng P4.2 bilyon naman para sa pag-imprenta
ng 103.2 milyon na mga textbook.
Karaniwang kasabwat ang Bids and Awards Committee at ang
resident COA auditor sa mga palusot na ito sa Dep-Ed. Kaawa-awa naman ang mga
estudyante at mga guro na syang direktang tinatamaan ng multi-bilyong pisong
korapsyon sa Dep-Ed.
- 30 -
No comments:
Post a Comment