Pangunahing dapat tutukin ng mga aplikanteng pagka-pangulo
ang kahirapan ng higit sa 50 milyong Pilipino.
Dahil sa kahirapan dumurugtong na din dyan ang kamangmangan
at kriminalidad.. Marami sa ating mga kababayan ang naitutulak sa paggawa ng
n]masama dahil sa kagutuman at kagustuhang makatakas sa sakmal ng kahirapan.
Sa isang survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumobo
ang bilang ng mga Pilipinong nakaranas ng paghihirap sa buhay taong 2014. Mula
24.6% noong unang kalahati ng taong 2013 ay tumaas ang bilang ng mga pamilyang
nakaranas ng matinding pagdarahop sa 25.8% noong unang kalahati ng taong 2014.
Ayon sa PSA, ito ay bunga ng pagtaas ng presyo ng pagkain at
epekto pa din ng mga kalamidad.
Higit sa 12 milyong pamilya ang sumasala sa pagkain, pano pa
nating maaasahang makapag-aaral ang mga anak sa mga pamilyang ‘yan?
Hindi ito malayo sa survey naman ng Social Weather Stations
na nagsasabing nasa 53 milyong mga Pilipino ang malubha ang nararanasang
paghihirap dahil sa kakulangan o kawalan ng kita.
Sobrang dami ng ipinapangako ng mga kandidato nitong
darating na eleksyon, dapat pangunahin nilang bigyan ng kaukulang istratehiya
ang kahirapan at ito ang ilahad nila sa mamamayan.
No comments:
Post a Comment